Gabay ng Biyahero sa Biosecurity ng Tasmania

​​​​Tagalog

Gabay ng Biyahero sa Biosecurity ng Tasmania – Anong Maaari Mong Dalhin at Hindi Maaaring Dalhin sa Tasmania

Ang Tasmania ay isa sa mga pinakamahigpit sa mundo pagdating sa mga kinakailangan sa biosecurity. Pakitulungan kaming protektahan ang Tasmania mula sa mga dinadalang peste, damo, at sakit sa pamamagitan ng pagtiyak na kapag bumisita ka sa amin ay wala kang dala o hindi ka nag-aangkat ng alinman sa mga hindi pinapahintulutang item. Ang pagdadala ng peste, damo, o sakit sa isang lugar ng produksyon ay maaaring magresulta sa mga magastos na kontrol na ipinapatupad at pagkawala ng mga merkado, kung saan maaaring gumastos ang mga pangunahing industriya at komunidad nang milyun-milyong dolyar.

Ang maikling sangguniang gabay na ito ay makakatulong sa iyo habang naglalakbay ka sa Tasmania, ngunit tandaan, maaaring magbago ang mga kinakailangan. Upang manatiling napapanahon, o para sa higit pang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong mga naaangkop na awtoridad ng interstate sa biosecurity.

 
 

Yes = Oo; maaari mong dalhin ang item na ito sa Tasmania More Information = Humingi ng higit pang impormasyon – maaaring kailanganin mo ng pahintulot o magbigay ng higit pang impormasyon* No = Hindi; hindi mo maaaring dalhin ang item na ito sa Tasmania
* Tingnan ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa ibaba

Mga Hayop

Mga balat ng hayop (mga hindi nakulti na balat ng fox) More Information
Mga bubuyog (kabilang ang pulot-pukyutan at kagamitan para sa pag-aalaga ng bubuyog) No
Mga ibon: Zebra finch, mga budgerigar (mga budgie), mga cockatiel, guineafowl, peafowl at mga canary Yes
Mga pusa, kabayo, guinea pig Yes
Mga crustacean (kabilang ang mga yabby/crayfish mula sa tubig-tabang) No
Mga aso (dapat ay magamot laban sa hydatid tapeworm bago dumating) More Information
Mga mabangis na hayop (fox, cane toad, European carp, Indian myna, atbp.) No
Mga ferret No
Isda (tubig-tabang o dagat)
• Mga pampribado o pangkomersyal na pag-angkat (mga buhay na pag-angkat kabilang ang mga uri ng hayop na maaaring ilagay sa aquarium) More Information
• Pain sa isda (mga suso, uod, atbp) No
• Mga produkto na mula sa isda More Information
• Goldfish No
Mga insekto No
Hayop na pambukid (baka, mga baboy, tupa, atbp.) More Information
Katutubong hayop, mga kalapati, mga ibon na nasa hawla (aviary) More Information
Poultry at nangingitlog (Mga manok, gansa, pabo at pato) Yes
Mga reptile at amphibian No

Mga Pagkain

Mga pagkain para sa camping (na-freeze-dry) Yes
Mga produktong yari sa gatas (dairy) kabilang ang gatas, keso at yoghurt (sariwa at pinulbos Yes
Mga itlog Yes
Isda (nasa lata) Yes
Isda (flake, snapper, coral trout, barramundi, tuna, whiting, trevally, ling, pusit, mga hipon, laman ng alimango, crayfish) (fresh/pinayelo, buo/mga fillet)** Yes
Isda (salmon, trout, eel, hake, cod, perch, mullet, flounder, bream, flathead, sardinas); shellfish (mga talaba, tulya, tahong, abalone (buhay o patay)) No
Honey
Yes
Mga karne (poultry, sausage, salami, mga hiniwang karne) Yes
Mga karne (baboy, tupa, baka na nakakain) Yes
Mga naprosesong pagkain (noodles, tinapay, kanin, mga cereal, pagkain ng sanggol, mga biscuit, fruit cake, mga pastry, mga jam, mga sarsa) Yes
Tsaa at kape Yes
** Dapat na may label ng mga scientific at pangkaraniwang pangalan ang seafood

Mga prutas, gulay at mani (mga produkto)

Prutas at Mga gulay (sariwa) No
Prutas at Mga gulay (niluto, pinayelo, nasa lata, nakapreserba, pinatuyo) Yes
Fruit salad na magkahalo (sariwa) No
Hinalong berdeng salad (nakabalot) More Information
Hinalong berdeng salad No
Mga herb (sariwa) More Information
Mga herb at pampalasa (pinatuyo at hindi nabubuhay) Yes
Mga mani (pinatuyo) Yes
Mga sibuyas, shallot, chive, bawang More Information
Mga gisantes (sariwa o pinatuyo; kabilang ang mga buto para sa pagtatanim) More Information
Mga patatas (sariwa o buto) No

Makinarya, kagamitan at mga nauugnay na item

Kagamitan para sa pagsasaka at libangan na nalagyan ng halaman o lupa No
Mga bota (walang lupa) Yes
Kagamitan sa pangingisda, pagsisid kabilang ang mga bangka at wader (pandagat o tubig-tabang) More Information
Nagamit na kagamitan sa pag-aalaga ng bubuyog

No

Mga halaman at mga nauugnay na item

Mga bulb at corm More Information
Mga pinitas na bulaklak at dahon More Information
Mga F&V* na halaman, punla at buto More Information
Mga gamit (tool) sa paghahardin (walang lupa) Yes
Mga taniman ng ubas, pinagputulan, bud wood More Information
Mga pananim sa bahay at nursery stock More Information
Lupa o anumang may lupa No
Stock feed (dayami, butil, patuka sa ibon/mga stick) More Information
Kahoy at mga produkto ng kahoy (hindi naproseso) More Information
Mga damo at buto ng damo (bilang mga contaminant) No

Para sa higit pang impormasyon sa pagdadala ng mga sumusunod na item sa Tasmania, mangyaring makipag-ugnayan sa:

  • Mga halaman/prutas patungo sa Tasmania – (03) 6165 3777
  • Mga aso patungo sa Tasmania – Toll Free 1800 684 215
  • Aquarium at Alagang Isda – (03) 6165 3777
  • Isda, mga produkto na galing sa isda at kagamitan sa pangingisda/pagsisid (pandagat at tubig-tabang) – 03 6165 3777
  • Hayop na pambukid/mga alagang-hayop/mga bubuyog/mga inaalagang hayop (kabilang ang mga paghihigpit sa mga hayop na pambukid na nalalapat sa Bass Strait Islands) – Quarantine Vet 03 6165 3777
  • Katutubong hayop at mga ibon na nasa hawla (aviary) – 03 6165 4305
  • Pinaghihigpitang fin-fish – www.nre.tas.g​ov.au/biosecurity​

Higit Pang Impormasyon

Ang maikling sangguniang gabay na ito ay makakatulong sa iyo habang naglalakbay ka sa Tasmania, ngunit tandaan, maaaring magbago ang mga kinakailangan. Upang manatiling napapanahon, o para sa higit pang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong mga naaangkop na awtoridad ng interstate sa biosecurity​.​

Manual ng Biosecurity ng Halaman

Ang mga kundisyon at paghihigpit para sa pag-angkat ng mga halaman at iba pang itinakdang bagay sa Tasmania: Plant Biosecurity Manual

Mga Exotic na Species ng Isda

Tingnan ang website ng Inland Fisheries para sa impormasyon sa mga ipinagbabawal na species ng exotic na isda.
website: www.ifs.tas.gov.au/biosecurity​

Higit pang impormasyon sa pakikipag-ugnayan: Pahina sa Pakikipag-ugnayan sa Amin sa Biosecurity Tasmania